Binatilyo, patay matapos saksakin ng higit 15 kabataan sa CDO

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2018 02:29 AM

Patay ang isang 18-anyos na lalaki matapos saksakin ng higit 15 kabataan sa Barangay Puntod, Cagayan De Oro City Miyerkoles ng madaling araw.

Nagtamo ng 15 saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan si John Vincent Abarquez.

Ayon kay Insp. Jessie Palencia, deputy chief ng Police Station 5, nag-ugat umano sa awayan ng 2 grupo ng mga kabataan ang pamamaslang.

Kuwento ng sa isang testigo, magkatabi silang natulog ng biktima sa labas ng kanilang bahay nang biglang batuhin ng bato at bote si Abarquez.

Nauwi ito sa pananaksak na ikinamatay ng binatilyo.

Hustisya ngayon ang panawagan ng pamilya ni Abarquez.

Hawak na ng pulisya ang 3 menor de edad na kabilang sa mga sumaksak sa biktima. 

Itinurnover muna ang mga ito sa City Social Welfare Development na posibleng mahaharap sa kasong murder. - ulat ni Cris Andrade, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.