Barangay chairman, patay sa pamamaril

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at May 27 2019 08:26 PM

TUAO, Cagayan - Patay ang isang punong barangay sa bayan na ito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalalang salarin bandang alas-3 ng hapon, Lunes.

Kinilala ang biktima na si Orlino Gannaban, 52 anyos na Punong Barangay ng Lallayug, Tuao.

Sugatan naman ang kasama nitong barangay tanod na si Espidio Zingabo, 69 anyos.

Ayon kay Police Captain Sharon Mallinlin, tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office, nakamotorsiklo ang mga biktima pauwi sa kanilang bahay nang sila ay pagbabarilin.

Agad na tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo.

Nagsasagawa na ang mga pulis ng hot pursuit operation at checkpoint para mahuli ang salarin.

Patuloy din na inaalam ang motibo sa pagpatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.