4 tiklo sa buy-bust sa Puerto Princesa

Arlie Cabrestante, ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2018 12:17 PM | Updated as of Feb 23 2018 12:21 PM

Photo courtesy: cdeu-ppcpo

PUERTO PRINCESA CITY - Timbog ang 4 na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad, Biyernes ng madaling araw sa Barangay Sicsican.

Nakilala ang mga nahuli na sina Anthony Demirin, 28-anyos; Emil Ferrer, 46; Pablito Vellarde, 65; at Richardo Asuncion, 54.

Ayon sa Anti-Crime Task Force, matagal nang target si Demirin. Ang 3 iba pang nahuli ay umaming katatapos lamang umanong gumamit ng droga sa tahanan ni Demerin sa Purok Ranchero.

Nabili sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu habang 2 pang sachet ang nakuha rin sa kaniyang kustodiya.

Kasama rin sa nakumpiska ang marked money na ginamit sa transaksiyon at iba pang drug paraphernalia.

Mahaharap naman ang mga nahuling suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.