3 sasakyan nagkarambola sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2018 04:02 AM

Larawan kuha ng MMDA

Nagkarambola ang 3 sasakyan sa Boni Serrano tunnel, Quezon City Huwebes ng gabi dahil sa kumalat na langis at diesel galing sa isang tumagilid na van.

Bahagyang isinara sa trapiko ang southbound lane ng tunnel upang tanggalin ang dulas.

Pasado alas-9 p.m. nang tumagilid ang closed delivery van na may plakang PIZ-619.

Nasaktan ang pahinante nito na agad dinala sa ospital.

Dahil sa dulas ng kalsada, nagbanggaan ang isang Toyota Fortuner na may plakang DON-953, isang Toyota Vios na may plakang AAB-304, at isang Toyota Wigo na may plakang AZR-495.

Wala namang nasaktan sa mga drayber at sakay ng 3 sasakyan. - ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.