2 arestado sa magkahiwalay na buy-bust sa Davao

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2018 07:03 AM

DAVAO CITY - Arestado ang 2 lalaki sa magkahiwalay na buy-bust na ikinasa dito sa lungsod, Huwebes.

Unang nadakip si alyas "Payat" nang bentahan nito ng isang sachet ng shabu ang isang undercover na pulis.

Walong sachet ng shabu na aabot sa P120,000 ang nakuha mula kay "Payat" ng kapakapan ito ng mga pulis.

Giit ng suspek, iniwan lang umano sa kanya ang droga.

Galing sa Cotabato ang droga na nilalako ni "Payat," ani SPO1 Rizalito Clapiz.

Nadakip naman sa isa pang drug bust operation ang isang nagpakilalang TV technician na si alyas "Abu" sa Quezon Boulevard dito sa lungsod.

Dalawang sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa kay "Abu" na nagkakahalaga ng P2,000.

Umamin ang suspek na gumagamit siya ng illegal na droga.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa mga bilangguan sa San Pedro at Talomo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.