PatrolPH

Motorcycle rider patay nang magulungan ng dump truck sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2022 03:57 AM

Patay ang isang lalaking naka-motor matapos mabangga at magulungan ng dump truck sa bayan ng Daraga, Albay, Lunes ng tanghali.

Sa imbestigasyon, posible umanong hindi nakita ng driver ng truck ang motorsiklo sa intersection ng Barangay Bañag kaya nabangga ito. 

"'Yung motor pagdating sa intersection, tumigil ng konti kasi may jeep na dumaan. Ang problema, 'yung truck hindi siya napansin na andu’n siya sa unahan kasi ’yung motor nag-overtake sa right shoulder. Sumingit lang siya du’n sa intersection kaya hindi siya napansin ng driver ng truck," ani police Senior Master Sergeant Junny Mabini, imbestigador ng insidente.

Isang negosyante ng handicraft sa Daraga umano ang biktima.

Nasa kustodiya ng Daraga Municipal Police Station ang truck driver habang hinihintay ang pagsampa ng pormal na reklamo ng pamilya ng biktima. — Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.