PatrolPH

#WalangPasok: Peb 22, klase at pampublikong opisina sa ilang probinsya, syudad

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2021 01:54 AM | Updated as of Feb 22 2021 06:58 AM

MAYNILA - Suspendido ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa mga pampublikong opisina sa lalawigan ng Romblon para sa Lunes, Peb. 22, bunsod ng Bagyong Auring.

Ayon kay Romblon Governor Jose Riano, Mananatili namang may pasok ang nasa disaster response, ganun din ang delivery ng basic needs maging nasa health services. 

Ipinauubaya naman sa mga pinuno o may-ari ng pribadong kumpanya ang desisyon kung magkakansela ng pasok.

Sinuspindi din ng LGU ng Tandag City, Surigao del Sur ang trabaho sa government at private offices. Matinding baha ang dinanas ng lungsod dahil sa Bagyong Auring.

Naglabas ng din ng executive order si Cantilan, Surigao del Sur Mayor Carla Pichay hinggil sa suspensyon ng anumang school activities sa lahat ng antas sa bayan simula Lunes.

--Ulat nina Andrew Bernardo at Charmane Awitan

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.