PatrolPH

Lalaki patay matapos 'manlaban' umano sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2021 11:56 PM

Lalaki patay matapos 'manlaban' umano sa Bulacan 1
Kuha ng Bulacan PPO

Isang lalaki ang nasawi matapos manlaban umano sa mga awtoridad sa Marilao, Bulacan nitong Sabado.

Ayon sa pulisya, naghain sila ng search warrant laban kay Enrico Villaflores Cuare sa bahay niya sa Sta. Rosa 1 pero pinaputukan sila nito.

Napatay si Cuare at narekober ang isang 9mm na baril, isang kalibre .38 na revolver, at mga basyo ng bala ng baril.

Isang kagawad naman sa Gabaldon, Nueva Ecija ang personal na nagsuko sa homemade caliber .38 revolver nito na walang serial number. 

Sa Nampicuan at Licab, Nueva Ecija, isinuko din ng dalawang residente ang kanilang mga caliber .38 revolver, na walang serial number, at mga bala sa pulisya.

Sa San Isidro, Nueva Ecija, boluntaryong isnuko din ng isang junkshop owner ang kanyang home-made caliber .38 na walang serial number.--Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO
 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.