PatrolPH

Ina patay nang makaladkad ng truck ang sinasakyang motor sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2021 07:50 PM | Updated as of Feb 22 2021 08:16 PM

Patay ang isang ina habang nakaligtas naman ang kaniyang 17 taong gulang na babaeng anak matapos maaksidente ang sinasakayan nilang motorsiklo sa Quezon City, umaga ng Linggo.

Nakuhanan pa ng CCTV ang pagkaladkad ng truck sa motorisklong sinasakyan ni Mary Jane Reodique, 42, at anak niyang si Cyra bandang alas-10 ng umaga sa may Mindanao Avenue sa Novaliches.

Ayon sa Quezon City traffic, papunta sana sa U-turn slot ang mag-ina pero hindi nakita ng truck driver dahil nasa blind spot.

Pauwi sana sa kanilang bahay sa Camarin, Caloocan City ang mag-ina nang mangyari ang insidente.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang driver ng truck.

Si Mary Jane, na isang mananahi, lang ang nagtatrabaho sa kanilang mag-asawa. Nagsusumikap siya para sa 4 nilang anak.


-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.