Apektado ang mga negosyante sa Cebu, kabilang ang tindahan ni Alvin Limeta sa Mandaue City, dahil sa paghihigpit ng patakaran bunsod ng paglobo ng COVID-19 cases sa lalawigan. Screengrab, ABS-CBN News footage
CEBU CITY – Ibinalik ng ilang lokal na pamahalaan sa Cebu ang pagpapatupad ng curfew at liquor ban bilang pagpigil sa pagkalat ng COVID-19, lalo na't may nakitang mutation ng virus sa naturang lalawigan.
Sa Mandaue City, apektado ang karinderya ni Baby Pareja dahil sa tumal ng tao, kaya kaunti na lang ang kaniyang nilulutong putahe.
"Mahirap. Mahirap pang sumakay, mahirap pang kumita," aniya.
Naapektuhan na rin ang araw-araw na kita ni Alvin Limeta sa kaniyang sari-sari store dahil sa pagpapatupad muli sa liquor ban at curfew.
Kung kaya bigas na lang muna ang binibida niya sa tindahan niya upang makabenta.
Ayon sa DOH, may dagdag na 34 samples sa Cebu na nagpakita ng mutations ng virus na nagdudulot ng COVID-19.
Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng ito ang dahilan sa mabilisang pagtaas ng mga kaso sa Cebu, pero pinag-aaralan at iniimbestigahan pa nila ito.
"That would be a possibility, a probability but we cannot attribute it to this one factor, but there are also other factors in certain areas, like in the Visayas, they have eased out their restrictions, this is probably one of the factors as well," aniya.
Nasa mahigit 6,000 ang active COVID-19 cases sa Central Visayas at kalahati nito ay galing sa Cebu City na nasa 3,142.
–Ulat ni Annie Perez
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
TV PATROL, TV PATROL TOP,PatrolPh, Tagalog news, balita, Cebu, Mandaue City, Cebu province, COVID-19, coronavirus, mutation, regions, regional, rehiyon, regional news, COVID-19 mutation, liquor ban, curfew, lockdown, quarantine