Higit 30 lugar sa Pasay isinailalim sa 'localized lockdown'

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2021 07:25 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA – Habang naghahanda na sa posibleng pagsailalim sa modified general community quarantine sa Metro Manila, nasa higit 30 lugar naman sa Pasay Cit ang naka-localized lockdown dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19. 

Tatagal nang 14 araw ang localized lockdown sa 34 lugar. 

Base sa datos ng Pasay LGU, sa 361 active cases, pinakamarami ang nasa edad 21 hanggang 30.

Ayon Health Secretary Francisco Duque III, hindi buong mga barangay ang naka-lockdown kundi bahagi lang nito kaya hindi naman gaanong apektado ang mga negosyo sa lugar. 

"Localized iyan, hindi buong barangay. Mga sitio or purok lamang, tamang pamamaraan iyan, kesa buong barangay o buong siyudad. Tama 'yun para hindi masyado makapaminsala sa kanilang ekonomiya," paliwanag ng kalihim. 

Ayon naman kay City Administrator Dennis Acorda, mawawala lang ang lockdown pag wala nang nagpositibo sa lugar. - Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.