PatrolPH

Bayan Mo i-Patrol Mo: Hagupit ni Bagyong Auring sa ilang bahagi ng VIsayas, Mindanao

Sarah Sales, Bayan Mo i-Patrol Mo

Posted at Feb 22 2021 03:56 PM

Bayan Mo i-Patrol Mo: Hagupit ni Bagyong Auring sa ilang bahagi ng VIsayas, Mindanao 1
Kuha ni Cyriel Asis via Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

MAYNILA — Idinokumento ng ilang mga netizens ang pananalasa ng Bagyong Auring sa Visayas at Mindanao na sa ngayon ay humina na bilang low pressure area, ayon sa PAGASA.

Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Linggo, umabot na sa 13,800 pamilya o 53,236 katao ang nag-evacuate mula sa Regions 10, 11 at Caraga regions dahil sa pananalasa ng bagyo. 

 

Sa video ni Bayan Patroller Cris Bann Lauren Lozada Deligencia makikita ang paghampas ng hangin sa mga puno, sa paligid ng kanilang bahay sa Bayabas, Surigao Del Sur nitong Biyernes.

Aniya, nagtabi na sila ng mga pagkain, mga importanteng gamit at dokumento bilang paghahanda.

 

Namigay naman ng ng mainit na arroz caldo Linggo ng gabi ang racing team na Topspeed at Madrid Chapter ng fraternity na Tau Gamma Phi sa mga residente ng Surigao del Sur na kasalukuyang nasa evacuation centeri. 

 

Ibinahagi ni Bayan Patroller Anjelen Cuadrado mula sa Tandag City, Surigao Del Sur ang kanyang mga kuhang larawan ngayong Lunes, alas-9 ng umaga sa ilang lugar na nagkaroon ng mataas na pagbaha kahapon. 

Kwento naman ni Bayan Patroller Anjelen Cuadrado, humupa na ang baha at maganda na ang panahon sa ngayon.

Aniya, bandang alas-5 ng madaling araw kahapon, nagsimula ang malakas na pag-ulan sa kanilang lugar dahilan para bahain ang ilang barangay.

— May ulat ni Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.