Dating preso balik kulungan sa ika-4 na pagkakataon sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2020 03:32 AM

ZAMBOANGA CITY - Sa ikaapat na pagkakataon, balik kulungan ang isang dating preso matapos mahuli sa buy-bust operation Biyernes ng gabi sa Asinan Kasanyangan sa Zamboanga City.

Nasabat sa operasyon ang isang baril at mga bala, 8 sachet ng hinihinilang shabu, at P200 marked money.

Inamin ng suspek na nagbebenta siya ng droga para may makain ang kanyang mga anak pero itinangging kanya ang baril.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.-Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.