Mag-asawa, patay matapos barilin sa loob ng tindahan sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2019 05:05 AM | Updated as of Feb 22 2019 07:03 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang isang mag-asawa matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang tindahan sa Camarin, North Caloocan Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Albine Nervas at misis nitong si Nemia.

Ayon sa nakakita, bumili ng yosi ang isang lalaki pasado alas-8:30 ng gabi at saka umalis.

Bumalik ang lalaki sa tindahan at kumatok sa pinto para makisindi. Nang pagbuksan, pinagbabaril nito ang mag-asawa at agad tumakas.

Palaisipan sa kaanak ng mga biktima ang motibo sa pamamaslang.

"Wala naman sila kaaway, 'yun lang alam namin," pahayag ng isang kaanak.

Kasama sa bahay ng mag-asawa ang 2 batang anak nang patayin sila.

Ayon kay 177 Barangay Chairman Dolores Asistio, posibleng may kinalaman sa away pamilya ang insidente.

"Last Nov. 2018, napatay 'yung kapatid nung babae," aniya. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.