Mahigit 50 bahay nasunog sa Iloilo City

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2018 08:19 PM

Natupok ang mahigit 50 bahay sa Iloilo City nitong Huwebes. Nony Basco, ABS-CBN News

ILOILO CITY - Mahigit 50 bahay ang natupok sa Barangay Calaparan, Arevalo dito sa siyudad nitong Huwebes.

Sumiklab ang apoy pasado ala-1 ng hapon, at tumagal ng halos 40 minuto bago tuluyang naapula ng mga rumespondeng bombero.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Leonida.

Nahirapan namang makapasok ang firetrucks dahil sa makitid na daan sa pinangyarihan ng sunog. Yari sa light materials ang mga kabahayan kaya mabilis kumalat ang apoy.

Hindi pa matantiya ng BFP ang kabuuang pinsala ng sunog. Pansamantalang makikituloy muna sa barangay hall at gym ang mga nasunugan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.