Mag-ama, timbog sa droga sa QC

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2018 04:43 AM

Arestado ang isang mag-ama matapos umanong mahuling gumagamit ng ilegal na droga sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay Senior Insp. Ramon Aquiatan ng Quezon City Police District - Station 7, natiyempuhan nila ang mga suspek sa isang barong-barong habang nagpapatrolya sa lugar.

Narekober mula sa mag-ama ang 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Napag-alaman ng pulisya na dati ng nakulong ang 48-anyos na tatay dahil sa droga.

Ang 22-anyos na anak naman nito ay nakulong din dahil naman sa sugal.

Pinabulaanan naman ng 2 na sa kanila ang mga nakumpiskang droga.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.