7 bahay sa QC, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2018 03:29 PM

MANILA - Pitong bahay ang nasunog sa Barangay San Antonio sa lungsod ng Quezon nitong Huwebes ng tanghali.

Ayon kay Fire Insp. Rosendo Cabilian, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Rolly Diamante.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente samantalang nasa 20 pamilya ang naapektuhan.

Nagkaroon umano ng operasyon ang Meralco laban sa mga jumper ng kuryente sa lugar at nang maibalik ang suplay ng kuryente, nagkaroon ng short circuit na naging sanhi ng apoy.

Idineklarang fire out ang insidente alas-12:57 ng hapon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.