1,500 pulis magbabantay sa ika-32 anibersaryo ng People Power

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2018 04:47 PM | Updated as of Feb 22 2018 05:25 PM

MANILA- Magtatalaga ng 1,500 pulis sa iba't-ibang lugar para bantayan ang mga protestang kasabay ng paggunita sa ika-32 aniberasyo ng EDSA People Power.

Ayon kay Quezon City Police District director Chief Supt. Guillermo Eleazar, inaasahan nilang dadagsa ang mga taong magsasagawa ng programa kasabay ng nasabing okasyon.

Nauna nang idineklarang special non-working day ng Malacañang ang anibersaryo ng EDSA I sa Linggo, Peb. 25.

Dagdag pa ni Eleazar, ang malaking bilang ng mga pulis ay upang masiguro na walang grupong manggugulo sa paggunita ng anibersaryo ng EDSA I, lalo na sa People Power Monument.

Bukod sa mga itatalagang pulis, bumuo rin daw ng task group para tutukan ang seguridad ng nasabing okasyon.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.