Inaresto ng mga barangay tanog sa Barangay Sta, Maria, Gloria, Oriental Mindoro ang isang 31 taong gulang na pulis dahil sa tangkang pagnanakaw sa isang hardware store.
Nakilala ang suspek na si Police Corporal Leonell Maranan na nakatalaga sa Technical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion ng MIMAROPA PNP.
Ayon sa report ng Gloria Police, bandang alas-10 ng gabi noong Biyernes nang makirinig ng ingay ang dalawang barangay tanod at isang residente sa likod ng ABC Hardware.
Nang puntahan nila ang hardware, nadiskubre nila na sira na ang doorknob, natagpuan din nila ang plais, screwdriver at martilyo na umanoy ginamit sa pagsira sa doorknob.
Nagbantay ang mga barangay tanod sa tindahan at makalipas ang 30 minuto, lumabas sa dilim ang suspek na pulis.
Narekober sa pulis ang kaniyang cal.9mm service firearm.
Ayon sa hepe ng Gloria Police na si Major Edwin Villarba, lulong umano sa online sabong ang pulis kaya nagawa nito ang tangkang pagnanakaw.
Nahaharap ang pulis sa kasong attempted robbery at administratibo.
Sa record ng Regional Personnel and Record Management Division ng MIMAROPA Police, may 89 ng administrative cases mula January 1,2021 ang naitalang kaso laban sa mga pulis sa rehiyon at 81 pa lamang ang nareresolba.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.