Bahay sa Maynila, gumuho at nasunog; 4 patay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

News

Bahay sa Maynila, gumuho at nasunog; 4 patay

Bahay sa Maynila, gumuho at nasunog; 4 patay

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 21, 2022 01:19 PM PHT

Clipboard

Kinukuha ng mga bombero ang bangkay sa isang nasunog na bahay sa Santa Cruz, Maynila noong Pebrero 20, 2022. ABS-CBN News
Kinukuha ng mga bombero ang bangkay sa isang nasunog na bahay sa Santa Cruz, Maynila noong Pebrero 20, 2022. ABS-CBN News

Apat ang nasawi matapos masunog ang isang dalawang palapag na bahay sa Santa Cruz, Maynila noong Linggo, ayon sa mga awtoridad.

Kabilang sa mga nasawi ang isang 15 taong gulang na babae, 21 taong gulang na buntis, 57 taong gulang na babae, at isang lalaking hindi pa natutukoy ang edad, sabi ng Bureau of Fire Protection.

Malubha naman ang lagay sa ospital ng asawa ng nasawing buntis, na isang security guard.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Lumabas sa imbestigasyon na naunang gumuho ang bahay bago ito nasunog.

ADVERTISEMENT

"'Yong kapitbahay, narinig niya na biglang gumuho 'yong bahay. 'Yong bahay kasi na nasunog is made up of light materials," ani Lt. Col. John Guiagui, commander ng Manila Police District Station 3.

"Noong gumuho, biglang may sumabog. From there, mayroon nang umusok, nagkaroon ng sunog," aniya.

Halos isang oras ang inabot bago tuluyang naapula ng mga bombero ang sunog.

Nabatid din ng mga awtoridad na "for closure" ang bahay o hindi na dapat tinitirhan pa.

Sa ngayon, kinordonan ang gumuho at nasunog na bahay. Patuloy ring inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagguho at pagsiklab ng apoy.

— Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.