PatrolPH

10 pulis na mga suspek sa pagpatay sa aide ni Glenn Chong sumuko na

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2022 06:12 PM

Nasa kustodiya ngayon ng Legazpi City Police Station sa Albay ang 10 sa 21 na mga suspek sa pagpatay sa bodyguard ni dating Biliran Rep. Glenn Chong at sa kasama nito noong 2018.

Ayon sa Bicol PNP, sumuko sa naturang estasyon ang mga pulis bandang alas-10 ng umaga ngayong Lunes. 

Kinilala ang mga pulis na sina:

- Police SSgt. Julius Villadarez
- Police SSgt. Richard Raagas
- Police Cpl. Arthur Gerard Ignacio
- Patrolman Napoleon Relox
- Patrolman Jordan Antonio
- Patrolman Marvin Santos
- Patrolman Terry Anthony Alcantara
- Patrolman Efren Areola Jr.
- Police Cpl Merwin Macam
- Police Cpl. Diogenes N Barrameda Jr.

Sila ay dating mga miyembro ng Highway Patrol Group at Police Regional Office 4A. 

Nahaharap sila sa kasong 2 counts of murder dahil sa pagpatay sa bodyguard ni Chong na si Richard Santillan at sa kasama nitong babae na si Gessamyn “Minmin” Casing noong Disyembre 10, 2018 sa Cainta, Rizal.

Ayon sa Bicol PNP, minabuti umano ng mga ito na sumuko upang sagutin ang mga paratang laban sa kanila.

Hiniling umano ng mga suspek na bigyan sila ng patas na pagdinig sa kaso.

— Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.