PatrolPH

Lalaki patay nang matusok ng bakal sa ulo sa motorcycle accident sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2021 07:58 PM

Lalaki patay nang matusok ng bakal sa ulo sa motorcycle accident sa Iloilo 1
Passi BFP

PASSI, Iloilo — Patay ang isang lalaki matapos aksidenteng matusok siya ng bakal sa ulo sa Brgy. Man-it sa lungsod na ito Sabado ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Edwardo Rodriguez, 56, resident sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Passi City PNP, papauwi na ang biktima sa kanilang bahay at nagmamaneho ng motor, nang mabangga niya ang isang early warning device sa may ginagawang kalsada.

Natumba siya sa ginagawang kalsada dahilan upang matusok ang ulo nito ng isang bakal.

Agad na rumesponde ang rescue team ng Passi BFP at dali-dali nilang pinutol ang bakal na nakatusok sa ulo ng biktima.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara siyang dead-on-arrival.

—Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.