MAYNILA – Higit 561,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay matapos madagdag ang 1,888 na kaso ngayong Linggo, ayon sa Department of Health (DOH), dahilan para umakyat sa 561,169 ang kabuuang bilang.
Dalawang laboratoryo umano ang hindi nakasumite ng datos.
Bumaba naman ang active cases sa 26,238 matapos makapagtala ang DOH ng 9,737 dagdag na gumaling. Sa kabuuan, 522,843 na ang gumagaling sa COVID-19.
Dalawampu naman ang nadagdag sa namatay para sa 12,088 total COVID-19 deaths.
Nakapagtala rin ngayong Linggo ang DOH ng 18 bagong pasyente na may United Kingdom (UK) variant ng virus, na sinasabing mas nakakahawa. Dahil dito, umabot sa 62 ang kabuuang bilang ng kaso ng UK variant.
Sa buong mundo, 111 milyon na ang nagkakaroon ng COVID-19, kung saan 2.4 milyon ang binawian ng buhay, ayon sa Johns Hopkins Coronavirus Resource Center.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Covid-19, coronavirus disease, coronavirus Philippines update, Covid-19 cases Philippines, Department of Health, Oplan Recovery, Covid-19 UK variant, UK variant Philippine cases, TV Patrol