Miyembro umano ng Akyat Bahay gang patay sa pamamaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2020 07:47 AM | Updated as of Feb 21 2020 07:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang isang lalaki na hinihinalang miyembro ng Akyat Bahay gang matapos subukang magnakaw sa bahay sa Filinvest 2 Biyernes ng madaling araw sa Batasan Hills, Quezon City.

Bago mag alas-4 ng umaga ay naireport ng residente ang insidente ng pagnanakaw.

Sinubukan pa umano ng lalaki na makipag-agawan ng baril sa guard, pero nabawi ng gwardiya ang baril at napatay ang umano'y magnanakaw.

Ayon sa ilang residente, may kasama pa ang lalaki.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.-Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.