Lalaki nalunod dahil sa pagsagip sa alagang aso

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2020 12:03 AM

Kuha ng Dapitan City Police Station

Nalunod ang isang lalaki matapos nitong sagipin ang kanyang alagang aso sa Dapitan City, Zamboanga del Norte. 

Palutang-lutang na nakita sa ilog ang biktimang si Elleonor Resalote, 41 anyos, nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Police Lt. Col. Areston Limos, hepe ng Dapitan City Police, naligo sa ilog ang biktima kasama ang aso nito at mga kaibigan noong Martes at nang akmang malunod ang alagang aso ay pilit itong sinagip ng biktima at hindi na nakabalik pa.

“Bago sila naligo sa ilog, nag-inuman muna itong biktima kasama ang mga kaibigan pero hindi naman daw lasing,” ani Limos.

Pilit siyang hinanap ng mga kaibigan pero hindi na ito natagpuan hanggang sa paglutang nito ng sumunod na araw.

Buhay naman ang alagang aso ng biktima at base sa medico legal report, walang foul play na nangyari sa biktima at pagkalunod ang siyang ikinamatay nito.-Ulat ni Dynah Diestro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.