7 pulis positibo sa ilegal na droga sa Metro Manila

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2020 02:19 PM | Updated as of Feb 21 2020 02:52 PM

MAYNILA- Nagpositibo sa ilegal  na droga ang 7 pulis sa Metro Manila, matapos isalang ang mga miyembro ng kapulisan sa random drug testing.

Ayon kay Police Major Gen. Debold Sinas, hepe ng Metro Manila Police, kabilang umano sa mga nagpositibo ang isang sarhento na kabilang din sa drug watch list na inilabas ng Philippine National Police nitong buwan.

Bukod dito, isang police lieutenant mula Muntinlupa ang nagpositibo rin sa ilegal na droga, ani Sinas.

Nasa 6,000 pulis umano ang isinailalim sa random drug testing mula Oktubre 2019 hanggang Pebrero.

Nasa 300 pulis ang iniimbestigahan ng pamunuan ng pulisya dahil umano sa pagkakadawit sa ilegal na droga.

-ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.