5 kalaboso sa droga sa QC, Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2020 04:17 AM | Updated as of Feb 21 2020 08:00 AM

Watch more in iWantTFC

Arestado ang 5 umano’y "drug personality" sa buy-bust operation ng mga pulis sa Quezon City at Valenzuela.

Tatlong lalaki ang nahuli matapos masabat sa buy-bust operation ang P142,000 halaga ng shabu sa kanto ng Kamias at K-H St., Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Benjie Louise Tremor ng Kamuning Police, dalawa sa mga nahuli ay mga pusher mula sa kanilang watchlist at ang isa naman ay nakulong na dati sa kasong attempted homicide at customer ng dalawa. 

Ayon naman kay Police Capt. Ramon Aquiatan ng Northern Police District, nakuha nila sa mga suspek na sina alyas Bes at alyas Beng mula sa buy-bust operation sa Valenzuela ang shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Kakasuhan ang limang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.-Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.