Pagsasara ng Tandang Sora flyover iniurong sa Marso 2

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2019 12:49 PM | Updated as of Feb 21 2019 11:00 PM

Editor's Note: Naunang sinabi ng MMDA na iniurong sa Marso 1 ang pagsasara ng Tandang Sora flyover. Pero nitong Biyernes ng hapon, sinabi ng ahensiya na ang pagsasara ay sisimulan na sa Marso 2. 

Watch more in iWantTFC

Iniurong ang nakatakdang pagsasara ng Tandang Sora flyover sa Quezon City mula Pebrero 23 sa alas-11 ng gabi sa Marso 2. 

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na isinaalang-alang nila ang agam-agam ng mga residente, commuter, at motorista.

"We take this postponement as a period to strengthen public awareness and cooperation for the project, as this would give individuals and agencies ample time to prepare and manage the traffic situation in the area," anila sa pahayag. 

Ikinasa na rin ang clearing operations sa Pebrero 25 kontra sa mga illegal settlers, vendors at mga harang para madaanan ng mga apektadong motorista ang mga alternatibong ruta. 

Bibigyan naman ng MRT-7 contractor na EEI corporation ng ayuda ang mga apektadong mga vendor sa pagsasara ng flyover. 

Nauna nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na titibagin ang flyover para magbigay-daan sa pagtatayo ng linya ng MRT-7.

Kaakibat din ng pagsasara ng flyover ang pagsasara ng intersection na mag-uugnay sa Tandang Sora Avenue at Commonwealth Avenue, na dalawang taong isasara. 

Inihirit din nila ang pagkakaroon ng elevated na U-turn slot sa Commonwealth Avenue para matugunan ang inaasahang trapiko sa pagsasara ng naturang flyover. 

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.