3 babaeng 'sex slave' sa drug den sa Antipolo sinagip; may-ari ng den, 1 pa patay

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2019 12:22 PM

Watch more in iWantTFC

Patay ang 2 drug suspect sa ikinasang buy-bust operation ng Antipolo police kung saan na-rescue din ng pulisya ang 3 babaeng ginagawa umanong sex slave ng 2 suspek.

Sa tulong ng isang informant, napasok ng Antipolo police ang isang bahay sa Barangay San Jose na ginawa umanong drug den. 

Nagkapalitan ng putok ng baril sa operasyon, na ikinamatay ng namamahala sa den na si alyas Julius at isa pang lalaki na tumulong umano sa kaniya sa pakikipag-barilan sa mga pulis. 

"Cohort nila may-ari ng bahay. Ginagawang drug den. Bago ma distribute 'yung iba, nagdadatingan mga babae. Sinasamantala na pagamitin, pagamitin, talagang hanggang nalulong mga bata," ani Antipolo police chief Superintendent Villaflor Bannawagan. 

Naisagawa ang operasyon sa tulong ng isang babae na muntik pa umanong gahasain ng mga namamahala ng umano'y drug den. 

"Pinipilit nila ako, pinaalis ako nung di ako pumapayag. Gusto nila ako rape-in pero di ako pumayag," ayon sa babaeng si alyas "Paola" 

Patuloy ang imbestigasyon ng Antipolo police kung may iba pang mga kasama ang 2 suspek sa kanilang aktibidad. 

Nakatakda namang isailalim sa counseling ang mga biktimang na-rescue. 

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.