20 indibidwal, korporasyon kinasuhan dahil sa buwis

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2019 04:19 PM

Sinampahan ng kasong kriminal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Huwbes ang 20 indibidwal at korporasyon dahil sa iba't ibang reklamo ukol sa kanilang buwis.

Isinampa ang mga reklamo sa Department of Justice (DOJ).

Ayon sa BIR, patuloy ang pagbabalewala ng 20 sa mga paalala nila kaya't napilitan silang maghain ng reklamo. 

“The respondents' failure and continued refusal to pay their long overdue deficiency taxes, despite repeated demands, constitute willful failure to pay the taxes dues to the government," ani BIR assistant commissioner James Roldan.

Aabot sa halos P1 bilyon na hindi nabayarang buwis ang hinahabol ng BIR sa 20 kinasuhan.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Marrisa Cabreros, bahagi ito ng kanilang hakbang para makamit ang tax collection target ngayong 2019 na nasa P2.3 trilyon. —Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.