Task force binuo para sa paglutas sa kaso ng pinaslang na Cebu vice mayor

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2018 11:19 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Hustisya ang panawagan ng pamilya ng napatay na vice mayor ng Ronda, Cebu na siya ring abogado ng hinihinalang drug lord na si Kerwin Espinosa.

Hihingi rin ng tulong sa National Bureau of Investigation ang pamilya ng bise alkalde at abogadong si Jonah John Ungab.

Kalalabas lang ni Ungab ng Cebu City Regional Trial Court Lunes nang tambangan ng 2 naka-motorsiklo.

Ilang sandali bago ang insidente, sinamahan pa ni Ungab si Espinosa sa promulgation ng kasong illegal possession of firearms.

Samantala, binuo na ng Philippine National Police ang "Task Force Ungab" na mag-iimbestiga sa kaso.

Ayon kay P/Insp. Jonathan Taneo, tagapagsalita ng task force, nangangalap pa sila ng ebidensya para sa kaso.

Una nang nilinaw ni Atty. Rene Burdeos, regional director ng Department of the Interior and Local Government Central Visayas, na pinapayagan ang mga bise alkalde na isagawa ang kanilang propesyon base sa Local Government Code. 

--Ulat ni Annie Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.