Mga Binibining Pilipinas contestant, nagpainit sa kanilang swimsuit

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2018 09:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ipinakilala Miyerkoles sa mga miyembro ng media ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2018, sa kanilang kauna-unahang swimwear presentation.

Nagpasiklaban suot ang kanilang mga bikini ang 40 naggagandahang kandidata na mula sa iba't ibang larangan tulad ng pagmomodelo, medisina, sports o palakasan, at enhinyero.

Kakaiba ang taong ito dahil sa dami ng mga former national titlist, o iyong mga dati nang nagkamit ng titulo sa pageants.

Sumugal sila muli para matupad ang kanilang pangarap na maging kinatawan ng bansa sa Miss Universe.

Kabilang dito sina Catriona Gray, Eva Patalinjug, Vickie Rushton at Loren Artajos.

Buhos din ang dating mga Binibining Pilipinas titleholders sa okasyon, tulad nina Binibining Pilipinas-Universe 1993 Dindi Gallardo at Binibining Pilipinas-Universe 2010 Venus Raj.

Bukod sa Miss Universe-Philippines, 5 pang titulo ang pag-aagawan ng mga kandidata: Binibining Pilipinas International, Binibining Pilipinas Supranational, Binibining Pilipinas Grand International, Binibining Pilipinas Intercontinental, at Binibining Pilipinas Globe 2018.

Sa Marso 18 idaraos ang coronation night.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.