Kagawad, patay sa buy-bust sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2018 04:32 AM

Patay ang isang barangay kagawad matapos umano itong manlaban sa mga pulis sa isang buy-bust operation sa Malolos City, Bulacan Miyerkoles ng hatinggabi.

Ayon kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos City police, naka-angkas umano sa motorsiklo ang suspek.

Nagpaputok umano ang kagawad nang makilala ng kasama nito na isang pulis ang katransaksiyon nila.

Nagawa namang makatakas ng kasama ng kagawad.

Dennis Datu, ABS-CBN News

Narekober ng mga pulis ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu, kalibre .38 na revolver, at pera.

Itinuturing ng Malolos City police na isang high-value target ang napatay na kagawad.

Noong nakaraang taon pa umano minamanmanan ng pulisya ang kagawad matapos inguso ng mga sumuko sa Oplan Tokhang na ito ang source nila ng droga. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.