Construction worker, natagpuang patay sa Dagupan

John Germono, ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2018 06:56 PM | Updated as of Oct 02 2018 10:59 AM

Nakita sa crime scene ang ginamit na kutsilyo sa pananaksak sa construction worker na si Edward Hernandez sa Dagupan City, Pangasinan. Photo courtesy of Dagupan City Police

DAGUPAN CITY, Pangasinan – Patay na nang matagpuan ang isang construction worker Martes ng gabi dito sa siyudad. 

Ayon sa imbestigasyon, nakita na lamang si Edward Hernandez ng kaniyang kasamahan na duguan at tadtad ng saksak sa tinulugan nito sa Arellano Bani.

Bago ito, nakipag-inuman pa raw ang biktima. Pero hindi sumesentro sa nakainuman ng biktima ang imbestigasyon dahil may nakaalitan pa raw ito ilang linggo na ang nakalipas.

Nakita rin sa crime scene ang kutsilyong ginamit sa pananaksak sa biktima.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang pulisya sa pamilya ng biktima lalo’t dayo lamang daw ito sa Pangasinan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.