2 nananatiling kritikal matapos ang aksidente sa Tanay

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2017 05:37 PM

MANILA - Dalawang biktima ang nananatiling kritikal habang umakyat na sa 25 ang bilang ng sugatan ng karimarimarim na aksidente sa Tanay, Rizal, ayon sa mga opisyal. 

Ayon kay Dr. Emmanuel Bueno, medical director ng Amang Rodriguez Memorial Hospital, isa sa mga napabalitang kritikal ay pumanaw na Lunes ng gabi.

Dalawa namang pasyente mula sa unang limang napabalitang kritikal ang bumuti na ang kalagayan, ani Bueno. 

Swerteng maituturing ang mga nakaligtas sa aksidente na naganap Lunes ng umaga, kung saan nawalan ng preno ang isang bus at sumalpok sa isang poste ng kuryente sa may Barangay Sampaloc. Karamihan ng biktima ay mag-aaral ng Bestlink College Novaliches na papunta sana sa isang field trip. Labinlima ang nasawi dahil sa insidente, kasama ang drayber ng bus. 

Antabayanan pa ang mga magiging update sa aksidente rito.

-ulat ni Alex Calda, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.