2 bata, nalunod sa quarry site

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2017 01:09 PM

ANILAO, Iloilo - Patay ang 10-taong gulang na si Khyan Besardo at ang siyam na taong gulang na kalaro nitong si Aljie Gemberga matapos pinaniniwalaang nalunod sa isang open pit ng quarry site sa Barangay Cag-an, Anilao.

Natagpuan ng kani-kanilang mga magulang ang dalawang bata sa hukay na may lalim ng tubig na umaabot sa 15 talampakan. 

Ang palutang-lutang na pares ng tsinelas ng mga biktima ang naging susi sa paghahanap sa dalawang bata na ilang oras na nawawala. 

Bago ang insidente, inabisuhan pa umano ng gwardiya ng quarry site ang dalawang bata na huwag maglaro malapit sa open pit. 

Ilang minuto lang ang nakalipas bigla na lamang nawala ang mga biktima. 

Naisugod pa sa ospital ang mga bata ngunit idineklarang dead on arrival. 

Pag-aari ng Black Mountain Corporation ang naturang quarry site.