PatrolPH

78-anyos na 'most wanted' sa kasong rape sa Kidapawan City, huli

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2022 03:28 PM

Larawan mula sa Kidapawan City Police Station
Larawan mula sa Kidapawan City Police Station

Arestado noong Martes ang isang 78 anyos na lalaki dahil sa umano’y panggagahasa nito sa apo ng kaniyang dating kinakasama sa Kidapawan City.

Dalawang taon umano itong nagtago bago nahuli sa isang opisina sa lungsod.

Ayon sa Kidapawan City Police Station, nahuli ang suspek sa pamamagitan ng Oplan Iron Clad. Hindi umano nagdalawang-isip na magsumbong sa kanila ang miyembro ng isang advocacy support group na nakakita sa suspek.

Arestado ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 4 counts of statutory rape na nilagdaan ni Judge Henelinda Molina-Diaz, Presiding Judge ng 12th Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 61, Kidapawan City.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Kidapawan City Police Office ang suspek.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.