PatrolPH

2 patay sa pagsalpok ng truck sa poste sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2021 02:00 PM | Updated as of Feb 20 2021 02:01 PM

2 patay sa pagsalpok ng truck sa poste sa Davao City 1
Kapwa naipit sa loob ng 10-wheeler truck ang driver at pahinante nito matapos na bumangga sa isang poste ng kuryente sa Davao City. Larawan mula sa Sambunotan Youth Organization 

DAVAO CITY - Dalawa ang nasawi matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang 10-wheeler truck sa isang poste sa Davao City, Biyernes ng gabi.

Nangyari ang aksidente sa Barangay Suawan, Marilog District sa naturang lungsod.

Agad rumesponde ang Central 911 Urban Search and Rescue Team para masagip ang driver at pahinante ng trak.

Ayon sa Sambunotan Youth Organization Quick Response Team, patay na ang driver, habang nakausap pa ng mga volunteer ang pahinanteng naipit sa trak. Pero binawian din ito ng buhay matapos masagip mula sa pagkakaipit.

Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng pagkakasalpok.

Pansamantala namang nawalan ng kuryente sa lugar dahil sa aksidente. 

- Ulat ni Hernel Tocmo
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.