Paggunita sa Ash Wednesday, Good Friday may pagbabago dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2020 06:26 PM | Updated as of Feb 20 2020 07:46 PM

Watch more in iWantTFC

Hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma ang Ash Wednesday kaya inaasahang dagsa ang mga Katoliko sa mga simbahan para magpalagay ng abo sa noo.

Pero may mga pagbabago sa paggunita sa mga religious event ngayong taon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Imbes kasi na ipahid sa noo, iniutos ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na ibudbud na lang sa bumbunan ng mananampalayata ang abo.

Nilinaw ng CBCP na ang ganoong istilo ng paglalagay ng abo ay bahagi ng sinaunang tradisyon ng Simbahang Katolika.

Sa Biyernes Santo naman, pinapayuhan ang lahat na iwasan munang halikan o hawakan ang krus. Maaari daw lumuhod o yumuko sa harap nito bilang tanda ng paggalang.

Nagpaalala rin ang CBCP na bahagi ng paggunita ng Kuwaresma ang pag-aayuno, pagdadasal, at pagmamalasakit sa kapakanan ng kapuwa. -- Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.