Lalaki timbog sa marijuana buy-bust sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2020 03:43 AM | Updated as of Feb 20 2020 07:35 AM

Watch more in iWantTFC

Huli sa operasyon ng drug enforcement unit ng Northern Police District (NPD) ang isang 22 anyos na lalaking nagbenta ng marijuana sa pulis na nagpangap na poseur buyer sa Bagong Bantay, Quezon City.

Nasamsam sa suspek ang 5 brick ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nasa 5 kilo at mayroong market value na P600,000.

Ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan Jr.ng NPD drug enforcement unit, nagsagawa sila ng follow up-operation kasunod ng pagkaka-aresto ng 2 suspek na nahulihan ng isa’t kalahating kilo ng marijuana nitong Feb. 16 sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.-Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News 
 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.