248 arestado sa ilegal na sabong sa Antique

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2020 11:53 PM

Kuha ng Police Regional Office 6

Arestado ang 248 katao dahil sa ilegal na pagsasabong Huwebes ng hapon sa VCO Sports Development Center, Barangay 1, San Jose, Antique.

Kabilang sa mga nahuli ay ang manager, cashier, gaffer, referee, llamador, at mga tumataya sa sugal. 

Sa pangunguna ng San Jose Municipal Police Station, Antique Provincial Mobile Force Company at Antique Provincial Police Office Intelligent Unit, ilang mga manok na pansabong, mga gaff at P860 na koleksyon sa sabong ang narekober. 

Nakuhanan na rin ng Police Regional Office 6 ng documentation ang mga naaresto.-Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.