2 nasa drugs watchlist ng Navotas, timbog

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2020 04:58 AM

Arestado ang isang lalaki at isang babae na nasa drugs watchlist matapos ang buy-bust operation Miyerkoles ng gabi sa Barangay San Roque, Navotas City.

Aabot sa mahigit P29,000 ang halaga ng 4 gramo ng hinihinalang shabu na nasamsam ng mga tauhan ng Navotas Police mula sa mga suspek na pawang mga residente sa nasabing lugar.

Nakipagtransaksyon ang isang poseur buyer ng P300 halaga ng shabu bago inaresto ang mga suspek kaninang alas-10 ng gabi.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa mga suspek.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.