2 babae arestado sa droga sa Payatas

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2020 04:56 AM

Dalawang babae ang arestado matapos kumagat sa buy-bust operation Miyerkoles ng gabi sa Lanzones St., Barangay Payatas B, Quezon City.

Batay sa paunang ulat ni Police Maj. Sandie Caparroso ng Quezon City Police District Station 6, pawang mga walang trabaho ang mga suspek na residente ng nasabing barangay.
 
Nakipagtransaksyon ang poseur buyer ng P200 halaga ng droga at nakumpiska ang 5 sachet ng hinihinalang shabu bago inaresto ang mga suspek kaninang 10:30 ng gabi.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.