Mangingisda timbog sa blast fishing sa Surigao Del Norte

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2019 03:43 PM

Naaresto ang isang lalaki sa bayan ng Tagana-an, Surigao Del Norte dahil sa umano ay paggamit ng mga pampasabog sa pangingisda, ayon sa pulisya.

Sa bisa ng search warrant, pinasok ng mga operatiba ng Philippine National Police Maritime Group (PNP-MG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Caraga (BFAR) ang bahay ng suspek na si Junjil Paquiring.

Nakumpiskahan si Paquiring ng 19 na non-electric blasting caps, 80 kilo ng ammonium nitrate, at 25 kilo ng mga isda na nahuli sa pamamagitan ng pagpapasabog ng mga dinamita.

Isa lang si Paquiring sa kanilang lugar sa mga nagbebenta ng ready-made dynamite na ginagamit sa ilegal na pangingisda, ayon sa Caraga region police.

Kinasuhan ang suspek ng paglabag sa Philippine Fisheries Code.

-- Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.