Lalaking kakapiyansa lang, patay sa pamamaril sa Cebu

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2019 09:37 PM

Patay ang isang lalaki na kakapiyansa lang matapos pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin Miyerkoles ng hapon sa Barangay Looc sa Mandaue City.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Marchan Soco na kakalaya lang ngayong araw sa kasong illegal possession of drug paraphernalla matapos itong makulong noong Pebrero 12.

Nakasakay sa kaniyang motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin.

Sugatan din sa pamamaril ang kinakasama ni Soco na si Gwendolyn Baclaon.

Ang pagkasangkot si Soco sa ilegal na droga ang tinitignan ng pulisya na angulo sa nangyaring pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.