Lalaki nakaligtas sa pananambang sa Cebu

Christopher Mahidlawon Mahilum, ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2019 04:35 PM

Nakaligtas sa ambush ang biktima kung saan 5 tama ng bala ang tumama sa kaniyang SUV sa Mandaue City. Christopher Mahidlawon Mahilum, ABS-CBN News


MANDAUE CITY, Cebu – Isang 48 anyos na lalaki ang nakaligtas sa pananambang, Miyerkoles ng umaga sa lungsod na ito.

Minamaneho ni John Pearlnel Dinoro ang kaniyang SUV at binabaybay ang Plaridel Street sa Barangay Alang-alang, alas-6 ng umaga nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakatatanggap na umano ng death threat ang biktima simula pa taong 2015.

May 5 tama ng bala ang SUV ng biktima. Nagawa niya itong imaneho malapit sa Mandaue City Provincial Office. 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.