'Kalidad ng bigas sa bansa maaaring magbago sa rice tariffication law'

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2019 04:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo ang Rice Tariffication Act, na layong alisin ang limitasyon sa inaangkat na bigas sa bansa.

Pero ayon kay Atty. Claire Castro, may kaakibat itong epekto sa kalidad ng bigas sa bansa, lalo na't mas marami na raw na importer ang makakapasok sa merkado.

Sabi ni Castro, maaaring makapasok ang mga bigas na may mababang kalidad lalo'y may probisyon sa batas na nagsasabing ituturing na "aprubado" ang inangkat na bigas kung hindi ito maiisyuhan ng sanitary at phytosanitary clearance sa loob ng isang linggo.

"So, puwedeng pumasok kung ganito lang at natulugan ang application," aniya sa "Usapang de Campanilla" noong Martes.

Sa bagong batas, ang Bureau of Plant Industry ang mamamahala sa pag-iinspeksiyon ng mga darating na bigas.

Bukod sa umano'y magiging problema sa kalidad ng iaangkat na bigas, inalmahan ng iba ibang grupo ang posibleng epekto ng rice tariffication law sa papel ng National Food Authority (NFA) sa pagbebenta ng murang bigas at sa magiging kita ng mga magsasaka.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.