Empleyado ng lending company patay sa pamamaril sa Eastern Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2019 08:58 PM

Patay ang isang lalaking empleyado ng lending company matapos barilin sa ulo Martes ng umaga sa Barangay Putong sa bayan ng San Julian, Eastern Samar.

Ayon sa impormasyon mula sa pulisya, kinilala ang biktima na si Gerald Kim Lejis, 23, residente ng Calbayog City, Samar.

Nangongolekta umano ng bayad ang biktima nang lapitan ito ng salarin at binaril sa ulo na agad ikinamatay nito.

Agad tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.

Lumalabas din sa imbestigasyon na pagnanakaw ang isa sa mga motibo sa pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.