2 patay, 1 sugatan sa salpukan ng motorsiklo, AUV sa Bacoor

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2019 03:45 AM | Updated as of Feb 20 2019 06:36 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang 2 katao habang sugatan ang isa pa sa salpukan ng motorsiklo at AUV sa Bacoor, Cavite Miyerkoles ng madaling-araw.

Ayon sa paunang ulat ng Bacoor police, nagbanggan ang 2 sasakyan sa Barangay Habay II pasado ala-1 ng madaling-araw.

Sumalpok ang motorsiklo sa kanang bahagi ng AUV na dahilan para tumilapon ang 2 sakay nito. Nawalan naman ng kontrol ang driver ng AUV at bumangga ang sasakyan sa isang poste.

Dead on the spot ang motorcycle rider at ang angkas nito na inaalam pa ang pagkakakilanlan. Sugatan naman ang sakay ng AUV na kinilalang si Rommel Maralit.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, madalas ang aksidente sa naturang lugar dahil matulin umano ang takbo ng mga sasakyan lalo na at tuwing sasapit ang hatinggabi. - ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.