No. 1 drug target sa Cebu, pulis patay sa buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2018 02:19 PM

MANILA - Napatay ang number 1 drug personality ng Cebu province at isang pulis sa buy-bust operation nitong Lunes ng gabi.

Nagkunwaring bibili ng droga si PO2 Evie Espina sa suspek na si Jovelio Franza at 2 nitong kasamahan sa Barangay Tulay, Minglanilla, ayon sa pulisya.

Pero nakatunog anila si Franza na pulis ang ka-transaksyon kaya binaril nito si Espina at tumakbo palayo.

Nakorner at nabaril ng ibang operatiba ang suspek, dahilan para agad itong masawi. Nakatakas ang kaniyang mga umano'y kasabwat.

Pumanaw sa ospital si Espina dahil sa mga tama ng bala sa ulo. Naulila niya ang misis at 4 na anak.

Nakuha sa suspek ang isang 9mm na baril, ilang pakete ng shabu at isang granada na nakatago sa compartment ng kaniyang motorsiklo.

May ulat ni Henry Atuelan, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.